Sa pag-unlad ng kalakalan at industriya at paglawak ng mga bayan, isang makapangyarihang uri ng tao ang lumitaw. Sila ay tinatawag na burgis (men of burg, burgers o bourgeoisie). Ang interes nila ay na sa kalakalan. Ang terminong bourgeoisie ay iniuugnay sa mga mamamayan ng mga bayan sa France na binubuo ng mga artisan at mangangalakal. Malaki ang pagkakaiba ng pamumuhay ng mga bourgeoisie sa pamumuhay ng aristokrasya, mga magsasaka, o ng mga pari.
Ang daigdig nila ay hindi ang manor o ang simbahan kundi ang pamilihan. Ang kanilang yaman ay hindi nanggaling sa lupa kundi sa industriya at kalakalan. Sa huling bahagi ng ika-17 na siglo, naging isang makapangyarihang puwersa ang bourgeoisie sa Europa. Binubuo sila ng mga mangangalakal, banker, mga shipower (mga nagmamay-ari ng barko), mga pangunahing namumuno, at mga negosynte. Ang kapangyarihan ng bourgeoisie ay bunga ng kayamanan at pakikipag-alyansa sa mga hari laban sa mga landlord.
Subalit ang kanilang kapangyarihan ay pang-ekonomiya lamang. Nagkaroon lamang ng politikal na kapangyarihan ang mga bourgeoisie pagdating ng ika-19 na siglo. Nagkamit sila ng karapatang politikal, panrelihiyon, at sibil sa pamamagitan ng pagtaguyod ng liberalismo.
Repleksyon
Lumitaw ang mga burgis ng umunlad ang kalakalan at industriya at paglawak ng bayan. Ito ay dahil ang kanilang interes ay na sa kalakalan. Ang kanilang termino ay iniuugnay sa mga bayan ng France dahil binubuo sila ng mga artisan at mangangalakal. Ang kanilang yaman ay nanggagaling sa industriya at kalakalan at hindi sa industriya. Ngunit, pang-ekonomiya lamang ang kanilang kapangyarihan, ika-19 na siglo na ng makamit nila karapatang sibil at iba pa.